Translate:English EnglishFilipino Filipino

Kung Bakit Kailangan ang Himala

Kung Bakit Kailangan ang Himala
Rio Alma
University of the Philippines Press, c2007
146 pages

Ang koleksiyong Kung Bakit Kailangan ang Himala ay bahagi ng tinatawag niyang “ikatlong siklo” bilang makata at isang pruweba sa walang-tugot at higit na tumatalim pang pagsusuri niya sa sarili at sa sariling lipunan at daigdig. Masigasig ang makata sa pagsipat/pagsilip ng mga siwang, gilid, likod, at pagitan ng salita’t bagay-bagay upang ibunyag sa iba’t-ibang paraan at iba’t-ibang antas ng pagkatanto ang mga katotohan ang maaring hindi natin pinapansin ngunit nakakaharap araw-araw. Kaugnay ng mabisang komentaryong panlipunan ang dalubhasa’t kahanga-hangang pagtitipon sa sari-saring hiwaga ng tayutay at makulay na talinghaga. Sa isang tula, naitaghoy niyang “Kulang ang kahit sampung libong himala ng isda’t tinapay” upang masiyahan ang mundo. Sa kaniyang pagtula, waring nais namang ipadama sa atin ni Rio Alma na trabaho ng makata ang paglikha ng mahigit “sampung libong himala” sa salita habang nabubuhay.

(Photo courtesy of Phillip Kimpo Jr.)