(A)lamat at (H)istorya

(A)lamat at (H)istorya
Rio Alma
University of the Philippines Press, c1986, 2002
98 pages

Pinairal ni Rio Alma sa koleksiyong ito ang pansariling pagbasa sa kasaysayan at kasalukuyang pangyayari, ang kanyang pagsinop sa katutubo at makabagong pamamaraang pampanulaan, at ang kanyang katangi-tanging paggamit ng siste.

(Photo courtesy of Phillip Kimpo Jr.)

* * * * *

May Isang Seminarista

Nagsawa din siya sa bulungan ng mga anghel
At panatag na orden ng kape’t kampanilya.
Isang tanghali,
Hinalina siya ng mga bulaklak sa labas;
At pagsampa sa bakod, di na siya bumalik.

Rio Alma
23 Pebrero 1981